Wednesday, June 21, 2006

basahin mo, baka para sa iyo 'to

Minsan nagtatanong kung saan, kailan, paano nasimulan
ang katapusang mahirap takasan.
Pero 'wag na.
Ibato mo nalang sa ulan.
-eraserheads, "Tama Ka Nga"

Sana sinabi mo sakin nang mas maaga. Hindi ko masasabing napakabuti kong kaibigan, pero sa tingin ko naman seryoso kitang pakikinggan at iintindihin kung sinabi mo lang sa akin sa isang paraan na maayos kahit kaunti.

Alam mo akala ko panghabambuhay na ang pagkakaibigan natin. Ngayon hindi ko na alam.

Inaamin ko na nagkamali ako, pero nais kong malaman mo na hindi kita sinadyang saktan kahit kailan. Nirerespeto ko ang karapatan mo na idaing ang mga hinanakit mo. Mahirap mag-isip nang matino kapag nasasaktan, pero sana sinubukan mong isaisip ang pagkakaibigan natin bago mo binitawan ang mga sinabi mo. Ganun naman ang magkakaibigan diba? Kahit mahirap sinusubukang alpasan para sa pagkakaibigan.

Napakasakit ng mga sinabi mo. Sana pinag-isipan mo ang bawat salita dahil hinding-hindi mo na mababawi ang mga ito. Sana nakatulong sila sa iyo.

Nais kong malaman mo na may pagka-makasarili ka. Hindi ko ito sinasabi dahil sinaktan mo ako -- sinasabi ko ito dahil baka hindi mo ito napapansin. Iyon siguro ang lumason sa pagkakaibigan natin -- ang pagka-makasarili mo at ang pagtitiwala kong maiintindihan mo ang pag-uugali kong parang batang pasaway.

Sana kahit papaano ay may natutunan tayo mula sa isa't-isa.


I thought I knew you. But now it seems I wasn't really friends with you -- I was friends with whom I thought you were.

2 comments:

grace said...

may nagpadala sa kin ng exact lines ng e-heads song na to dati...ikaw ba yun? :)

Unknown said...

hmmm..baka ako nga. :) i send those lyrics to people when appropriate eh..

the ironic thing though is that i haven't actually heard the song! a friend just gave me the lyrics, and it struck me so much that ever since i've been trying to find the song.

isa na ata sa mga pangarap ko sa buhay ang marinig ang kanta na yun. haha :)